Apatnapu’t siyam na children in conflict with the law (CICL) na nasa Navotas Bahay Pag-asa ang nagtapos sa COmputer Outreach Learning (COOL) Program ng lungsod.
Sa ilalim ng COOL, ang mga estudyante ay tinuturuan ng paggamit ng Microsoft Word, Excel at Power Point. Ang klase ay karaniwang isinasagawa sa COOL truck dalawang oras bawat araw sa loob ng limang araw.Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor John Rey Tiangco ang halaga ng pagiging computer literate.\

“Importante na meron tayong sapat na kaalaman at kakayahan sa paggamit ng computer, lalo na ngayon na umaasa tayo sa teknolohiya sa ating pang-araw-araw na buhay. Ito ang dahilan kung bakit sa pamamagitan ng COOL, tinuturuan natin ang mga bata, kahit ‘yong edad lima, pati matatandang nasa 70 na kung paano gumamit ng computer,” aniya.
Maliban sa COOL, ang mga CICLs sa Bahay Pag-asa ay nakaenroll sa Alternative Learning System (ALS) na pinapatupad ng Department of Education.
Ani Tiangco, magbibigay ang lungsod ng karagdagang computer sa center para mai-practice ng mga CICL ang kanilang natutunan at magamit ito sa research.
“Sikapin ninyong matuto parati at mapaunlad ang sarili. Kapag tapos na kayo rito, ipagpatuloy ninyo ang inyong pag-aaral,” saad niya.Hinikayat din ng alkalde ang mga CICL na kumuha ng technical-vocational course sa Navotas Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.
Aniya, magkakaroon ang Navotas na dalawa pang training centers, isa rito ay maghahandog ng kurso sa animation at visual graphics.
Simula 2018, ang lungsod, sa pamamagitan ng NavotaAs Hanapbuhay Center, ay nagsasagawa rin ng livelihood skills training sa Bahay Pag-asa. Natuto ang mga CICLs ng paggawa ngpowder at liquid detergent, buchi, kutsinta, brownies, maja blanca, chocolate cupcake at puto.Matapos naman ang kanilang graduation ceremony sa COOL, sumailalim din sila sa training ng paggawa ng dishwashing liquid at perfume.
2018, ang lungsod, sa pamamagitan ng NavotaAs Hanapbuhay Center, ay nagsasagawa rin ng livelihood skills training sa Bahay Pag-asa. Natuto ang mga CICLs ng paggawa ngpowder at liquid detergent, buchi, kutsinta, brownies, maja blanca, chocolate cupcake at puto.
Matapos naman ang kanilang graduation ceremony sa COOL, sumailalim din sila sa training ng paggawa ng dishwashing liquid at perfume.
source: https://remate.ph/2019/02/08/mga-bata-sa-bahay-pag-asa-natuto-ng-computer-skills/