Navotas City Congressman John Rey Tiangco

Pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas Miyerkules ng hapon ang tatlong proyektong imprastruktura.

Nanguna sina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco sa pagbabasbas at pasinaya ng bagong open space/riverwall sa Brgy. Sipac-Almacen at inayos na mga daan at kanal sa Champaca at Goldrock St. sa Brgy. San Roque.

Kasama rin sa seremonya sina Vice Mayor Clint Geronimo; Konsehal Ethel Joy Arriola-Mejia, Alvin Nazal, Arnel Lupisan, at Neil Cruz; Association of Barangay Captains-Navotas President, Ricky Gino-Gino, at Punong Barangay Tito Sanchez, Ernan Perez at Margarita Limbaro; Junior Chamber International–Navotas Chapter President, Migi Naval; at mga city department head.

Sa kanyang talumpati, pinaalalahanan ni Mayor Tiangco ang mga Navoteño na maging mapagmalasakit sa kanilang kapaligiran at ugaliin ang tamang pagtatapon ng basura.

“Hangad natin na ang bawat pamilyang Navoteño ay magkaroon ng malinis, ligtas at maayos na pamayanan pero kailangang magtulungan tayo para maisakatuparan ito,” aniya.

“Maging disiplinado at ituro ito sa inyong mga anak. Ugaliin ang tamang pagtatapon ng basura. Iwasang magtapon ng kalat sa mga daan at kanal para hindi ito maging dahilan ng pagbaha,” dagdag niya.

Kasama sa flood control and mitigation system ng Navotas ang mga coastal dike at riverwall, pati na ang mga inayos na drainage canals at mga pumping station.

source: https://www.facebook.com/notes/navote%C3%B1o-ako/riverwall-mga-daan-pinasinayaan-sa-navotas/2443570829003211/