Navotas City Congressman John Rey Tiangco

Pinangunahan nina Cong. Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco ang pagpapasinaya sa isang 4-story school building sa Navotas.

Mayroon na ngayong karagdagang 16 na silid ang Navotas National High School para sa ilan sa kanilang tinatayang 4,000 mga estudyante.

โ€œMalaki ang pagpapahalaga namin sa edukasyon ng ating mga kabataan. Hangad namin na mag-enjoy sila at maging komportable habang nag-aaral para gugustuhin nilang matuto,โ€ ani Cong. Tiangco.

Pinasalamatan niya ang Department of Education-Navotas at ang Department of Public Works and Highways para sa kanilang tulong at suporta sa pagpapagawa ng nasabing gusali. Samantala, pinangako ni Mayor Tiangco na ibibigay ng pamahalaang lungsod ang mga kinakailangang pasilidad at kagamitan ng paaralan. Nabanggit din niya na layon ng lokal na pamahalaan, kasama ang Dep-Ed Navotas, na maabot ang ideal na student-classroom ratio at magkaroon ng single shift classes ang mga eskwelahan.

Tinatayang 116 na mga classroom pa ang idadagdag ngayong taon ayon kay OIC-Navotas Schools Division Superintendent Meliton Zurbano.

article source: https://www.facebook.com/notes/navote%C3%B1o-ako/hs-building-pinasinayaan-ng-magkapatid-na-tiangco/2217431868283776/