Namigay ang Navotas City Government ng birth certificates sa mga NavoteƱo na late nag-file ng birth registration.

Nasa 120 mahihirap na NavoteƱo ang nakinabang sa free late birth registration project nina Vice Mayor Clint Geronimo at Coun. Ethel Joy Arriola-Mejia.

Navotas City Congressman John Rey Tiangco

Umaabot sa P1,500 ang karaniwang binabayaran ng mga residente para maproseso ang kanilang late birth registration pero dahil sa nasabing proyekto, libreng natanggap ng mga benepisyaryo ang kanilang birth certificate.Naka-waive ang fees, penalties at charges sa late birth registration ayon sa City Ordinance 2018-19 na iniakda ni Arriola-Mejia at pinirmahan ni Geronimo.

Sa kanyang talumpati, binati ni Mayor John Rey Tiangco ang mga benepisyaryo at hinimok silang ipamalita ang programa sa iba. Aniya, dahil sa limitasyong pampinansyal, may mga pamilyang hirap magbayad ng birth registration fees.

ā€œMay programa rin ang Navotas na free birth registration para sa mga batang NavoteƱo na isinilang sa Navotas City Hospital o sa lying-in center ng lungsod. Ang kailangan lang ay ipasa ang mga kailangang dokumento,ā€ sabi niya.

Maaari pa ring maka-avail ng free late birth registration ang mga NavoteƱo. Para sa dagdag na impormasyon, maaaring tumawag sa 281-8531 local 300 or 310.

source: https://www.facebook.com/notes/navote%C3%B1o-ako/birth-certificates-ibinigay-sa-late-registrants/2608544935839132/?tn=HH-R