Animnapung pamilyang Navoteño ang may bahay na ngayon matapos pormal na buksan ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang 5-storey housing project sa Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS)-Kaunlaran, Navotas.
Pinangunahan nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco, kasama sina Engr. Juancho Corpuz ng National Housing Authority, Brgy. Chairperson Toto Natividad at ibang opisyal ng lungsod, ang pagbabasbas at pagpapasinaya sa NavoHomes Kaunlaran.
“Natutuwa kami na meron na kayong ligtas na tahanan para sa inyong pamilya. Makakapamuhay na kayo nang komportable at makakatulog na kayo nang mahimbing dahil alam n’yong ligtas kayo sa anumang kapahamakan,” ani Mayor Tiangco sa kanyang talumpati
article source: https://www.abante.com.ph/navohomes-kaunlaran-sa-navotas-binuksan-na.htm