Pinili ng Guhit Pinas-Navotas ang Navotas Bahay Pag-asa bilang benepisyaryo ng kauna-unahan nitong art exhibit for a cause.
Ang exhibit, na isinasagawa sa Navotas City Hall lobby, ay nagtatampok ng obra ng 20 na mga local artists kasama si Coun. Ethel Joy Arriola-Mejia.
Hangad nitong makakalap ng pondo para mabigyan ang mga children in conflict with the law (CICL) na nasa Bahay Pag-asa ng mga art materials at learning sessions.

Nagpahayag ng pasasalamat si Mayor John Rey Tiangco sa Guhit Pinas-Navotas sa pagsulong nito ng isang magandang adhikain.
βAng proyektong ito ay nagbibigay-inspirasyon sa amin sa lokal na pamahalaan na patuloy na suportahan ang ating mga lokal na artist. Sana patuloy ninyong biyayaan ang iba sa pamamagitan ng inyong mga obra,β aniya.
Ang pamahalaang lungsod ay kasalukuyang sumusuporta sa pag-aaral ng 19 na art scholars.
Sa mga interesadong bumili ng alinman sa mga artwork, makipag-ugnayan kay Catrina Fernandez sa 281-8531 local 106.
source: https://www.facebook.com/notes/navote%C3%B1o-ako/navotas-bahay-pag-asa-makikinabang-sa-1st-art-exhibit/2681077445252547/?tn=HH-R