Pinangunahan nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ang pagbabasbas at pagpapasinaya sa Navocare Community Rehabilitation and Physical Therapy Clinic sa Brgy. Tanza 1.
clinic

“Medyo malayo ang Tanza mula sa city proper kaya importante na mayroong pasilidad dito para matugunan ang mga pangangailangang medikal at pangkalusugan ng mga residente,” ani Mayor Tiangco.
Ang nasabing barangay ay mayroon ding 3-in-1 health facility kung saan nakapaloob ang lying-in clinic, health center, at Tuberculosis Directly Observed Treatment, Short Course (TB-DOTS) center. Pormal itong binuksan Mayo noong nakaraang taon.Ibinalita rin ni Mayor Tiangco na kasalukuyang itinatayo sa Brgy. San Jose ang isang medical hub na maghahandog din ng community-based rehabilitation and physical therapy.
Pinapalaki rin ng pamahalaang lungsod ang Navotas City Hospital para tumaas ang bed capacity nito at makapaghandog ng mas marami pang serbisyong medikal.
article source: https://www.facebook.com/notes/navote%C3%B1o-ako/pt-clinic-binuksan-sa-navotas/2506722756021351/