Sa unang araw ng ikalawang termino ni Cong. Toby Tiangco, ngayong Hulyo 1, kanyang inihandog sa lokal na pamahalaan ng Navotas sa ilalim  ng pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ang isang bagong ambulansya bilang  patuloy na suporta sa misyong itaas ang antas ng kalusugan sa lungsod. Ito ang  ikalawang ambulansya na naibigay ng kongresista sa Navotas Health Department mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund o pork barrel. Nasa litrato, mula kaliwa: Cong Toby Tiangco, Dra. Liberty Domingo at Mayor John Rey Tiangco.
